Paraiso: Sa Kabila ng Malagim na Pagsabog

noong isang buwan lamang ay napabalita na ipapasara na ang mt. pinatubo para sa mga trekker (lokal o banyaga) dahil sa pagkasawi ng 2 french tourists at 9 na pinoy at ilan pang nawawala, matapos nilang akyatin ang bundok.  ano nga bang meron sa tuktok ng bundok?

natatandaan ko noong 1991, isang malagim na pagsabog ang naganap sa mt. pinatubo at libu-libong buhay ang napawi, maraming pamilya ang nawalan ng tirahan at kabuhayan.  halos nagmistulang disyerto ang lalawigan ng zambales, tarlac, pampanga at ilan pang kalapit na probinsya sa dulot nitong lahar na halos umabot pa sa mindoro ang abo noong kasalukuyang sumasabog ang bulkan.   makalipas ang halos isang dekada, napabalita na isa nang tourist attraction ang mt. pinatubo.  una ko itong nabasa sa mabuhay magazine, at binalak ko, na kung may pagkakataon ay aakyatin ko ang bundok.

isang kaopisina ang nagyaya sa akin para umakyat sa mt. pinatubo, at maswerte ang batangmangyan at nabigyan ng pagkakataon na makasama sa adventure na ito.

ikalawa ng madaling araw nang umalis ang bus sa cubao patungong capas, tarlac.  pagdating sa capas sa ganap na ika-5 ng umaga, ay sumakay kami ng jeep patungong sta. juliana, na kung saan magsisimula ang pinatubo adventure.  kinailangan namin na makarating sa lugar bago mag-ikapito, bago pa magsimula ang “balikatan exercises ng mga US military” na kasalukuyang ginaganap noon sa sta. juliana.4X4 4X4

  

 

 

 

 

kasama namin ang dalawang local guides, ito ang aming sinakyan nang halos isang oras para marating ang simula ng paglalakad (simula pa lang pala, akala ko doon na). dalawang oras at kalahati na paglalakad sa tubig, bato, buhangin, abo – bago namin marating ang mt. pinatubo.  sumasakit na ang likod ko, ang binti at paa sa sobrang tagal ng paglalakad, at halos ayoko ng ituloy sa sobrang pagkainip at pagod.   naaliw lang talaga ako sa kasama naming guide, kasi nasasagot nya ang lahat ng tanong ko, kahit wala na itong kinalaman sa mt. pinatubo (kakulet ng batangmangyan eh).nakisama naman ang panahon kasi hindi naman masyadong sumikat ang araw noon.   kaya sinamantala ko na rin ang paliligo sa bawat tubig na madaanan YAHOO.mag-aalas onse na ng marating namin ang paanan ng bundok. TARAGIS! taragis ang nasabi ko sa guide, kasi paanan pa lang pala ‘yon.  May aakyatin pa pala kami para marating ng tuluyan ang bunganga ng bulkan.  Sa pananabik na malaman kung anong meron sa itaas, nagmadali na ang grupo sa pag-akyat sa makitid at madamong daan pakyat ng bundok.mga kalahating oras din ang aming inakyat – TARAGIS ULIT.  ito ang tumambad sa mga mata ng batangmangyan..wala akong nasabi kundi - OMG - haha.  nawala ang pagod, sakit ng paa, gutom – sa pagkamangha sa aking nakita.   putek, hindi ko pa pala narating ang crater ng bulkan.  kailangan pang bumaba para maramdaman ang lamig ng tubig sa bunganga ng bulkan.  mga sampung minuto pa na lakad pababa at narating namin ang maladalampasigan na bunganga ng bulkan.syempre, walang sinayang na oras ang batangmangyan, ligo agad, pero teka, sobrang lalim, wala akong makapa na lupa, haha, floating ang katapat, buti na lang marunong ako lumutang. isang oras din ang inilagi namin sa bunganga ng bulkan, inilatag namin ang dalang tent, nagpahinga, at iginayak ang dala-dalang mga pagkain at sandaling nagsalu-salo.  syempre may adobo, sardinas, tinapay, kanin, sisig. at nagulat ang lahat – ang dala ng batangmangyan ay dalawang lata ng SPAM LIGHT 50% less salt – hahaha. taragis.  matapos kumain at magpahinga, ay kinailangan na namin lisanin ang bunganga ng bulkan.   kailangan namin marating ang sta. juliana bago mag ikalima ng hapon bago magsara ang gate ng kampo ng balikatan. masasabi ko na sa kabila ng malagim na pagsabog ay isa na ngayong paraiso ang tuktok ng mt. pinatubo.    ang pinatubo adventure ng batangmangyan ay isa sa pinakanatatanging karanasan na mananatiling buhay sa kanyang ala-ala at isang patunay lamang ito ng katatagan, lakas at tibay ng loob, tiyaga, at hindi pagsuko sa anumang hirap at pagod marating lang ang tuktok ng tagumpay.

Tara, byahe na —  sasamahan ko kayong tuklasin ang ganda ng Mt. Pinatubo.

“Never stop exploring!”

Category: Ang Ganda ng Pilipinas  Tags: , , , , , ,
You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
130 Responses
  1. dencios says:

    ayus, informative ito a.

    i know the place. nakita ko ata ito sa TV. at maganda pala talaga. nextime talaga lilibutin ko ang pinas bago ang mundo haha. jokes

    mukang u enjoyed a. asan ang food trip nyo dyan? hehe

    wala ba talanag mga bahayan sa last pic? as in deserted talaga ang lugar?

    • oo, pagbalik mo dito, samahan kita sa kahit saang gusto mong libutin, pero may bayad ha. hahaha. sabi ko naman, maganda ang pilipinas. next time di ko kakalimutan ang pics ng food trip, na-excite ako ng todo eh kaya nakalimutan ko.

      wala tol mga bahayan, kasi ilog yan na dinaluyan ng lahar.

      • Kiwinoy says:

        Kung ako kaya uuwi next time, may panahon ka kayang ipasyal ako? hahaha… nagtatanong lang, kasi last time na umuwi ako nag biahe ka naman going US…

  2. blu.sparks says:

    ako hanggang tv lang eh.
    ayos mga byahe mo tol, though i’ve never dreamt of going there.
    hehehe :-)

  3. p0kw4ng says:

    3 years ago nong may nakita akong petyurs ng crater ng Pinatubo…ang ganda!

    gusto ko ding makarating dyan…balang araw!

  4. boypulubi says:

    Ang ganda ng lugar. Kakainggit naman.

    Ang isasara ba ay ang pag-akyat sa bunganga ng bulkan? Hindi na ba nahanap yung ibang mga tao na nawala? Di ba pwede matulog doon kung may tolda ka? May signal ba ang telepono sa may Mt. Pinatubo mismo?

    Pasensiya na tol. Nahawa yata ako sa iyo sa kakatanong :)

    • uu, ipapasara daw ang pag-akyat pero wala naman final na advisory. nahanap pa naman yong nawalang mga tao. oo, pwedeng matulog, pero dapat i-coordinate sa mga accredited tour guide, may registration pa yun, plus kasama ang guides sa overnite.

      ok lang po, natuwa nga ako, nagustuhan mo kwento ko.

  5. teentoinks says:

    Wow.. ganda nga ng Mt. Pinatubo, grabe! Dito rin sa place namin umabot yung ash falls, puti na ang paligid napaka alikabok nun, ako pa naman naglilinis ng bahay nun mga panahon na yun… huhu!

    Newei, napakalayong lakaran naman pala, pero gaya nga ng sabi mo pawi lahat ng pagod at gutom pag nakarating na sa isang paraiso. NICE..

    • tagalinis ng bahay, mabigat na role yun ah. haha.

      salamat sa pagbabasa ng kwento ko ha. sana nag-eenjoy ka din sa mga entries ko. balik ka ulit dito.

      • teentoinks says:

        Nag eenjoy kaya ako sa kwento mo, pati sa mga pics. Eh teka nga.. san ba sunod na gala ni batangmangyan? Sana may teaser… para mahulaan, tas yung makakahula may premyo dapat SPAM 50% less salt… nyahahhaa la lang…

        Nakiraan lang po… may nuno sa punso dun sa kabilang kalsada eh, sa kabila naman sarado at pafiesta ni mayor… hmm… magulo na noh?

  6. bonistation says:

    huwawwwww! ang ganda!! parang nasa abrod lang talaga! diko din lubos maisip ang trahedyang naidulot ng ngayon ay ganyang kagandang tanawin!! astig talaga ng byahe mo na to! from mindoro to korea to mt.pinatubo!! mangyan na mangyan ah hehe!!

    “ang katatagan, lakas at tibay ng loob, tiyaga, at hindi pagsuko sa anumang hirap at pagod marating lang ang tuktok ng tagumpay.”

    cool!! may lesson ang bawat kwento ng byahe mo wah!! congrats!!

    • wow, salamat naman at nagustuhan ang kwento ng pinatubo. oo tol, lahat ng byahe ko eh may aral, para lang din byahe ng buhay ba. eh yong byahe mo din dyan sa saudi eh sigurado akong mas maraming aral. share mo din minsan.

      enjoy life!

  7. bonistation says:

    spamlight 50% less salt!! waaaah coniong mangyan! taragis!!

  8. Nortehanon says:

    Luck was on your side kasi maganda ang panahon nung umakyat kayo. I went there last June. Medyo inulan ang pag-akyat ko. Buti na lang ready ako ng raincoat hehehe. However, spoiler ang ulan sa pagkuha ko ng pictures :(

  9. anakngpating says:

    wow..ilang taon pa lang ako nung sumabog ang mt.pinatubo hehe..
    ang ganda grabe..namiss ko umakyat ng bundok..simula ng tuloy2 ang trabaho ko di na ko nakakasama sa mga akyat bundok hehe..

    pwede ba nekstime kuya sama ko pag bumalik kayo jan sa mt.pinatubo eheh..

  10. Pasyalera says:

    Maganda talaga yang Mt. Pinatubo. Pero hindi pa ako nakakarating dyan. :( Hindi ko agad sya pinuntahan kasi sabe ko nun sa sarili ko, malapit lang naman sya. Pwede ko syang puntahan anytime. Pero totoo bang ipapasara na nila yan sa mga turista? Wag muna. Waaaaaaaaaa!!!

  11. breath taking parekoy!
    ayos ah!
    pix lang busog na..

  12. topexpress says:

    As usual, late nanaman ang kotse ko sa pagbyahe sa bahay mo. hayyy!

    50% less salt? ahahaha putek! eh conyong mangyan ka nga! heniweys, ang sarap iexplore ng pinas lalo na ienjoy ang buhay. Living life to the fullest! the best tlga ang bawat byahe mo. Gala at palaboy din ako nung nasa pinas ako, di ko lang naisip na puntahan yang Mt. Pinatubo, baka kasi iluwa ako agad ng bunga-nga ng bulkan. :D aheheheh

    * may napansin lang ako? lahat na ng kasama mo naka hubad, eh bakit ikaw hindi naghubad? ahahahaha asan na ang payat ngayon? tyan pla ha! ahahahahaha peace!

  13. Winkie says:

    ang ganda ganda pala jan. lagi ko lang nadadaan ang lahar area pag pupumupunta ako ng baguio. dapat ata next time eh yan naman ang puntahan ko. mukhang exciting ang trekking activity nyo… pati ang swimming session, nakakainggit!!!

    nagmukha ngang paraiso after that tragic explosion in 1991.

    pero di ba may mga dead people underneath? nangungulit lang! hehehe!

  14. Walongbote says:

    Sobrang ganda nung nasa pinakataAs nyan, ung nagawa nyang crater. The water is so breathtaking! Di pa me nakapunta jan, napan0od ko lang sa matanglawin. ^.-

  15. jason says:

    pasensya na kuya BM… nahuli ako

    busy kasi ako sa pagkanta este
    sa pagpapahinga sa mga kakaunting day off heheheh

    so mt pinatubo naman pala ang gala mo ngayon…

    at least malapit na samin at alam na ibig sabihin nyan…

    EB hahahahaha

    kasama ka next time ah!!

    teka totoo bang unexpected ang pagputok ng bulkan?
    hmmmm
    nakakatakot

  16. Mon says:

    wow naman ang ganda pala jan sa pinatubo. seguradong pupuntahan ko yan pagnakaipon ako. hehe

    thanks for dropping by at my site. babalik-balikan ko to. hehe

  17. sobrang ganda! punta ka din. add kita sa link ha. balik ka ulit. salamat.

  18. pinkdiaries says:

    ang ganda pala jan, lalu na sa bunganga ng bulkan, parang napaka freshy ng water.. hehehe, hanggang TV lang kasi eku ehh.. :-)

  19. ELIment says:

    Ay naiwan na ako sa byahe.super late!hehe

    ganda naman ng adventure ng batang mangyan.ang ganda pala talaga dyan.isa ngang paraisong maitu2ring na nabuo pagkatapos ng trahedya.oo nga.totoo nga, sa bawat paglubog ng araw may bagong umagang naghi2ntay.hehe

    namiss ko maligo sa ilog ah.yong tipong binabangga ka ng malakas at malamig na agos ng tubig.sarraap!

  20. ELIment says:

    Ay naiwan na ako sa byahe.super late!hehe

    ganda naman ng adventure ng batang mangyan.ang ganda pala talaga dyan.isa ngang paraisong maitu2ring na nabuo pagkatapos ng trahedya.hndi kaya nabuo ito ng ganyan kaganda dahil maraming pangarap, pag ibig at pag-asa ang nalibing dito?hehe

    namiss ko maligo sa ilog ah.yong tipong binabangga ka ng malakas at malamig na agos ng tubig.sarraap!

  21. next stop mo: mount halcon!

    challenge yan…

  22. jason says:

    hmmm 1991 so

    3 years old ako nung maganap ang

    pagdilim ng kalangitan sa Sampaloc,

    ang pag buhos ng abo mula sa langit…

    ahahay …

    pero tignan mo ang pinatubo ngayon

    isa na syang likas na kagandahan ng kalikasan..

    arang glaciers na nakatayo ang galing naman nyan!

  23. otep says:

    wa. pangarap ko ding makapunta d’yan.

    amp. naalala ko yung tragedy d’yan last month yata.

    mga turista yung mga nasawi..

    tapos na featured din sa born to be wilc.

    kakatakot pinakita yung nangyari sa 4×4

    hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na sa luwag ng lugar ay maaaring sumulpot ang malaking flashflood. :(

  24. livingstain says:

    wow Mr mangyan ang sarap sarap naman ng trip mo sa pintubo, nainggit ako, kaso kailangan nga yatang magrent ng 4×4 at masyadong mahabang lakad para marating yan…

    ang ganda talaga ng Phil…

    im mr mangyan… so letz party people… wwwooooooohhhhhhhhhhhhh……….

  25. lovely says:

    hi kuya napadaan lang hehe..

  26. Dorm Boy says:

    Wow ang ganda naman pala talaga sa Mt. Pinatubo. Balak din namin magtrekking noong summer jan kaso di ako ata linya ang trekking. sana makaya ko at matry pa rin minsan. Ayos!

  27. jason says:

    patumbling muna dito sa iyong
    tambayan

    pagkatapos kong tumambling ay
    kakanta na ko ng insomia
    hahahha

  28. boypulubi says:

    tol, may natira ka pa bang spam light?

    kailangan ko ding mag-diyeta hehe

  29. ako din. patambling at pasumersault. hehehe.

  30. tsenn` says:

    *super duper late hehe*

    sabi ng mommy ko nung nagerupt nga daw un mt. pinatubo e lumikas din sila kahit taga-bulacan kami. ibang klase daw kasi talaga un moment na un. hehe.

    pero xempre wala akong kamalay-malay nun dahil dalawang taon pa lang ako nun. hahaha!

    kuya! gusto ko rin ng hiking!
    waaaah! XD

  31. marc says:

    taragis! ilang punta na ako sa sta juliana. nakakilala na rin ako ng mga taal na mga batang aeta. naikot ko na rin ang lahat ng dinaanan ng lahar. pero yung pinagmulan ng lahar di ko pa napupuntahan… tapos magsasara na. waaaaaaahhhhh!!!! galing talaga ni batang mangyan.

    ang hinihintay ko ay yung escapades sa binangonan… kelan kaya?

  32. sHy says:

    Ang galing!! Ang ganda tlga!! =) Na-awe ako dun sa may bunganga ng bulkan… napakaganda nya! =)

    Praise GOD for creating such wonderful masterpiece! =)

    Keep on exploring and sharing your blessings, bro! Thanks for posting! =)

    To GOD be the glory till eternity! =)

  33. Hehehehe may 20 points ka na sa BASE AWARDS ko.

    5th base ka last September 14…

  34. eli says:

    p’re musta? hehe

  35. jason says:

    kamusta

    syempre di maaaring di ako tutumbling dito haha

    wala lang pampagulo lang!!!

    HELLO!!!!!!!!!!!!!!!!!

  36. pinkdiaries says:

    kamusta na ulit?! padaan lang :-)

  37. boypulubi says:

    Eto, dumadaan muli.

    Ang ganda siguro sa Davao.

  38. topexpress says:

    Tol, pasabog naman mula sa davao!!!! PASOK!!! :D

  39. ocel_bonita says:

    hello! wow! nice place… namiss ko tuloy mgtrekk. =( it’s been years since the last time I got into trekking…. hope if everything’s fine at mt.pnatubo, i can go with my group…

  40. mtoni says:

    totoo pala sinabi ng pinsan ko na maganda lugar na yan kaya dami turista ngppumilit pumasyal.
    sana paguwi ko ng zambales masamahan din nila ako jan.
    tenks po sa pagbahagi ng mga pictures sa trip nyong to.

  41. teentoinks says:

    BULAGA…

    Nagtatago ka ha! Kala mo di kita makikita… hehe! Joke!

    Wala pa bang bago?
    Wehhh… di nga? – inday garutay)

    Nangungumusta lang BM!

  42. karoger says:

    nung pumutok yung bulkang pinatubo, isang taon pa lang ako. haha. kaya wala akong malagim na ala-ala ng mga nangyari noon. though taga zambales ako at andun nga yung bulkan na yun. and trivia, favorite pangulo ko si Ramon magsaysay, pinanganak siya sa Zambales at yung pangalan ng eroplano na bumagsak kaya siya namatay ay Mt. pinatubo :) haha.

    hmmmmm. isa ito sa must visit places ko! dati plinano kong pumunta dito pero hindi natuloy. sana soon makapunta ako. sa picture pa lang, maganda na, pano pa pag totoo na! :)

  43. salamat karoger. yup, punta ka sa mt. pinatubo, must see place. lalo ka na, tubong zambales ka pala. hehehe. add na kita dito. balik ka ulit ha.

  44. 24/7 in love says:

    I’ve got study the right information here. Definitely amount book-marking regarding revisiting. I actually shock the way a whole lot try you determine to generate such fantastic helpful website.

  45. I like the useful details you actually provide in the articles or blog posts. I’ll book mark your site in addition to test out once again the following consistently. I am somewhat particular We’re up to date many fresh goods right listed here! Enjoy for!

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>