Si Argee, Si Lexer, At si Dominic

Tara na byahe tayo. Puro byahe ang kwento ng Blog ko, naisip ko ang byahe ng buhay ng tatlong taong malapit sa puso ko. Ibat-ibang byahe ang naghihintay kina Argee, Lexer at Dominic. Kwento ng totoong buhay ng 3 anak ng ate ko, kwento ng katatagan, pag-asa, pagtanggap sa katotohanan, lubos na pang-unawa, at higit sa lahat, pang-unawa sa mga taong kapos ang pang-unawa. Sino ang maswerte? Sino ang malas?

Si Argee, Si Lexer, at Si Dominic

Tatlong magkakapatid, sabi ng marami, magkakaiba ang mundo; sabi ng mas marami, malas; pero sabi ko naman, at sa paniniwala ng buong pamilya, sila ay espesyal, maswerte at pinagpala. pero mukhang mahirap tanggapin o gawing swerte ang sa tingin at akala ng nakakarami ay malas at mga kawawang nilalang. Hindi rin..maniwala kayo madali lang.

Sisimulan ko ang kwento kay Argee. Natatandaan ko, magdadalawang taon na s’ya noon pero wala pang nasasabi. Sabi ng duktor sa probinsya, “delayed speech” lang. Pero ganun pa din nang 3 taon na s’ya, apat, wala pa din nasasabi, hindi lumilingon pag tinatawag. Hindi nagugulat. Tumatawid kahit nakakabingi na ang busina ng jeep. May problema si Argee, sabi ng duktor sa Maynila, “deaf and mute” si Argee, hindi natinag ang ate ko, “eh ganun eh, ‘yan ang binigay sa atin, eh di tanggapin”. Sinong nga ba’ng may gusto na isilang s’yang pipi at bingi? Maraming laboratory tests, at syempre magastos, hindi naman kami mayaman. Pero naigapang ang daang libong pisong hearing aid, nakapag-aral sa isang SPED, pero kinalaunan, wala namang naitulong ang hearing aid, malaking gastos lang. Huminto sa school, nahihiya sa kalagayan, at kahit pala anong suporta ng buong pamilya ang ipakita mo sa taong may kapansanan, may pagkakataon na mahirap talunin at lampasan ang pwersa ng mas maraming tao sa paligid na karamihan sa kanila ay kapos sa pang-unawa.

27 years old na ngayon si Argee, kahit hindi sapat ang napag-aralan, lumaki naman syang maayos. Mahilig din sa text, friendster, at facebook. Minsan maraming tumatawag, hinahap si Argee, pag sinabi kong pipi si Argee, ibabagsak na ang telepono. Ayos! Akala siguro naka-jackpot na, guwapo nga naman kasi si Argee, at syempre ‘di naman malalaman sa facebook kung pipi ka kung hindi mo sasabihin. Pero para sa akin maswerte pa din si Argee, bakit? Mamaya na ang sagot sa huli.

Si Lexer. May problema din ba siya? Walang problema si Lexer. Maswerte din si Lexer, sabi nga ng mga dalubhasang duktor, “may sarili silang mundo”, eh di maswerte nga kasi akalain mo sarili n’ya ang mundo. Pangalawang anak ng ate ko si Lexer, guwapo din, mas guwapo pa kay Argee, haha. Pero isinilang si Lexer na may “autism”, isang sakit na hindi maipaliwanag ang dahilan. Kasama din ako sa duktor nang malaman ang kalagayan ni Lexer, 3 taon s’ya noon, wala din syang nasasabi, mabuti pa si Argee, marunong ng senyas, si Lexer ay walang pakialam. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ng ate ko nang mga oras na ‘yun, “eh ganun ulit, wala tayong magagawa, bigay ‘yan sa taas, tanggapin, malay natin makapagbigay ng winning number sa lotto si Lexer eh di swerte”, parang sa movie na Mercury Rising, nakapg-decode ng isang national security code ang batang autistic. Pero ang tatay ni Lexer, “’di ko kayang tanggapin” ang sabi haha. Sabi din ng kapitbahay, malas daw, lahi daw kami ng mga abnormal, wow eh di bigatin kami sabi ko. Isa lang sinabi ko sa bayaw ko, tanggapin natin si Lexer para tanggapin din s’ya ng mundo. Pasukin natin ang mundo ni Lexer. Maswerte din ba si Lexer? Mamaya na din ang sagot!

Dahil sa halos kulang na sa oras sa pag-aalaga sa dalawang naunang anak, hindi na nasundan si Lexer, at isa pa baka kung susundan pa eh ganun na naman, di ba nga sabi ng kapitbahay, lahi kami ng abnormal haha. Pero lumipas ang 17 taon, may Dominic. Pero matindi pa sa butas ng karayum ang pinagdaan ni Dominic bago s’ya dumating sa mundo ni Argee at ni Lexer.

Umiiyak noon sa telepono ang ate ko habang ibinabalita na buntis s’ya. Sabi ko ba’t ka umiiyak? Eh dapat let’s celebrate, sa edad mong 42 eh nabigyan ka pa ng biyaya, napakaraming nagkakandarapa sa pagnonobena para lang magkaanak eh, ikaw ito pinagpapala. Pero alam ko naman kung bakit s’ya umiiyak eh, sa takot. Takot na baka isang kakaibang nilalang na naman ang dumating sa buhay n’ya at sa buhay namin. Pero tuloy ang buhay, kahit may mga nagsasabi na huwag ng ituloy pero itinuloy pa din.

Maayos ang kalagayan ni Dominic sa loob ng tyan ng ate ko, magaganda ang signs, ok na ok ang heartbeat, sabi nga daw ng duktor, malikot si Dominic. At talaga namang napakaswerte ni Dominic, akalain mo, nakaligtas si Dominic, sa edad na dalawang buwan sa loob ng t’yan, ay sumailalim ang ate ko sa isang mapanganib na operasyon, “diagnosed with cerebral aneurysm”, para maikli ang paliwanag, isang sakit na tulad ng nangyari kay FPJ, ang kaibahan, ang ate ko nakaligtas. Nagdecide kami na kung malalagay sa panganib ang buhay ng ate ko, eh masasacrifice si Dominic. Pero isang British-Canadian na duktor na s’yang gumawa ng operasyon ang nagsabi sa bayaw ko, “we are here to save lives, we will do everything to save both of them”, sarap pakinggan, at sa awa ng Dyos, pareho nga silang nakaligtas. Pero hindi pa rin nawala ang takot, kabi-kabila ang nobena sa lahat ng Santo at Santa na maging maayos si Dominic. Bakit pala Dominic? Dominic ang pangalang ng duktor na gumawa ng operasyon sa ate ko.

Siyam na buwan na kakaba-kaba ang lahat, pero doon ko naramdaman na pag buo ang tiwala, walang imposible. Isang napakalusog na Dominic ang dumating sa amin, malikot, maputi, laging nakangiti at higit sa lahat guwapo din syempre. Lahat ng tests normal, new-born screening, hearing, etc. lahat ay pasado si Dominic. Mag-iisang taon na si Dominic, may mga nasasabi na, nakakarinig at matalinong bata. Bawat tunog na nasasabi ay luha ng pasasalamat ang kapalit. Isang himala si Dominic. Maswerte nga ba si Dominic?

Para sa amin maswerte silang lahat. Maswerte si Argee, hindi nya naririnig ang masasamang salita na madalas ay naririnig ko sa mga taong hindi s’ya kayang unawain at tanggapin. Maswerte si Argee dahil hindi n’ya mabibigkas ang mga masasamg salita na maari n’ya sanang iganti sa kanila.

Maswerte si Lexer dahil solong solo n’ya ang mundo, na kahit kami ay hindi kayang agawin ang kanyang mundo. Maswerte si Lexer dahil imposibleng makagawa s’ya ng kasalanan sa’yo o sa akin. Maswerte si Lexer dahil buong-buo ang pagmamahal na binibigay sa kanya. Tulad din ni Argee, maswerte si Lexer na kahit anong reklamo ng kapitbahay, hindi n’ya ito maiintindihan. Naalala ko lang nang minsan kaming ipa-barangay ng kapitbahay sa kasalanang “nag-aalaga daw kami ng mga abnormal”. Malas lang nila, kakampi namin ang D’yos! Sabi nga ng isang kaibigang manunulat ng tula, “Lexer, kakalingain ka sa pagitan ng pahina ng mangha at di maapuhap. Ang aming kahinaan ng pang-unawa sumusuklob sa aming pagkukulang. Sa amin, ikaw ang matingkad na Salita ng Diyos sa kaganapan ng bawat nilikha.”

Maswerte si Dominic dahil isa s’yang biyaya. Biyaya na gagabay sa dalawa n’yang espesyal na kapatid pag nawala na kami sa kani-kanilang mundo, isang responsibilidad na sa tingin ko ay itinalaga ng tadhana. Maswerte si Dominic dahil kumpleto s’ya, nakakarinig, nakakapagsalita, masasabi ang nararamdaman. Maswerte si Dominic dahil s’ya ay magdiriwang ng kanyang unang kaarawan sa Cottolengo Filipino, isang ampunan ng mga batang espesyal na iniwan na ng kanilang mga magulang, imbitado kayo!

Maswerte din ang pamilya ko, akalain n’yo 2 out of 3 ay espesyal, di ba napakaswerte pag espesyal ka? Sa mga may espesyal na anak , kapatid, o pamangkin, huwag nyong pahirapin ang buhay, huwag nyo silang itago sa mga tao, sa halip ay ipakita n’yo na kaparte sila ng mundo natin. Pasukin n’yo ang kanilang mundo. Sabi ko nga madali lang gawing swerte ang inaakala ng iba na malas. Sapat na siguro ang mga detalye ng kwento nina Argee, Lexer at Dominic.

Ibat-iba man ang byahe ng buhay na naghihintay kina Argee, Lexer at Dominic, iisa lang ang kailangan ng bawat isa sa kanila, ang tunay na pagtanggap, sa ingles “acceptance”, kailangan kong i-translate kasi baka sakaling madaling intindihin sa ingles, haha. Ang “pagtanggap” ang nagpapatibay at nagpapatatag para malampasan ang anumang klaseng hamon ng buhay.

 

Maraming salamat sa DMCI Homes at Alta Vista na siyang tumatayong sponsor nang Saranggola Blog Awards

Category: Uncategorized  Tags: , ,
You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
28 Responses
  1. bonistation says:

    kakaibang kwento mo ngayon.. astig habang binabasa ko kinikilabutan ako lalo sa part ni Dominic.. lahat sila ay gift mula kay God.. at tama iba man sila sa karaniwan, masasabing blessed sila ang galing ng paliwanag mo. at nakakabilib kung pano kayo naging positibo sa bawat pagsubok ng buhay.. sana mas marami pang tao ang maging mas malawak ang pang unawa sa mga ganyan pagkakataon at sitwasyon.

    saludo ako sayo bm, sa ate mo kasama ng buong pamilya!

    goodluck to Saranggola Blog Awards!

  2. brotherutoy says:

    ganda ng post.:) heartwarming, kapatid!

  3. livingstain says:

    swerte silang lahat, kahit aminin man nating hindi sila matanggap ng mapanghusgang mundo e natanggap naman sila ng pamilya mo.

    walang dahilan para hindi sumusugal, duwag lang ang hindi sumusobok.

    meron lang akong hindi naintindihan, mejo nabobo na naman ata ako.
    bakit don magbebertday si dominic?

    goodluck

  4. jason says:

    kuya jo later ko po babasahin ha :)

  5. Flora says:

    I thought I have known you enough, until I finally read the story of your 3 nephews who are
    truly gifts from God! Saludo ako sa iyo friend,sa iyong walang pag aalinlangan na ikwento ang katayuan ng 3 mong pamangkin! Maswerte rin sila sa pagkakaroon ng isang Tito na tulad mo.
    Good luck!

  6. duking says:

    kapag nag share ka ng magandang story tungkol sa ibang tao,nangangahulugan talaga yun na napaka espesyal nila para sa iyo.napaka espesyal na kailangang maibahagi ito sa mga mambabasa nang sa gayun,lumawak pa ang inspirasyon na nagawa nila sa buhay mo.

    inspiring indeed ang pamilyang nagtataguyod sa mga espesyal na kondisyon ng kanilang mga supling.

    salamat sa pagbabahagi tol BM.

  7. busyok says:

    ‘yong konsepto ng malas o swerte e nasa konsepto ng tumitingin yan. malas para sa iba tadhil hindi sila tanggap. pero sa pamilya nyo, maswerte sila kase tanggap sila pinapahalagahan at hindi ikinakahiya.

    sa lipunan nating mapanghusga, dimo naman kailangang magkaroon ng kapansanan para mapintasan ka. kahit kompleto ka may maipipintas parin sa iyo. badoy manamit, malas sa lovelife, sintonado, maitim ang gilagid, etc. pero anuman ang sabihin ng iba, amg mahalaga naman e kung anu ka sa mga mahal mo. at yun ang pinakamahalaga.

    nakakainspire ang pamilya mo sa totoo lang. kase yong iba, sabihin na nating walang may kapansanan pero nagkakasakitan naman. sino kaya ang masmasaya? isa ako sa mga naniniwala na bawat bagay, anuman yan ay may dahilan.

    God bless. saludo ako sa pamilya n’yo.

  8. topexpress says:

    I was moved and touched by your story. Ang ganda tol, an eye opener sa lipunan na ang bawat isang nilalang ay may karapatan at puwang sa mundo. ang tunay na pagyakap at pagtanggap sa biyaya ng diyos.

    Bilib ako sa kung paano mo hinimay ang swerte sa pamilya mo. Ang positibo at matapang na pagharap sa mapanghusgang lipunan. Katangi-tangi ka bro!

    PAtuloy mo pang i share ang byahe, at kwento ng iyong buhay. Maging tunay na inspiration sa nakakarami. :D

    Saludo si TOPEXPRESS sa BATANG MANGYAN! =D

  9. yodz says:

    Naalala ko tuloy yung pinsan ko. Deaf and mute din siya. Pero dahil sa love and support na binigay sa kanya ng pamilya at buong angkan namin, lumaki siyang happy at successful. May decent work siya, nakapag asawa at may anak na.
    Sa tingin ko, importante talaga yung love and support ng family – kasi kung wala yun, kahit walang kapansanan nagiging misearable ang buhay.
    In the end, love is that matters

  10. dencios says:

    BM,

    Oo, tama, acceptance ang pinakapaimportante. Pero sa opinyon ko, dapat i should come first sa sarili natin bago tayo mahalin ng mga tao sa paligid natin.

    The 3 guys will definitely have a good future.

    Ang ganda ng entry mo ha. I hope it’ll make a mark on Saranggola Awards.

    Dencios

  11. michelle says:

    ang gling ah,tlgang khit anong mangyari pmilya ang nauuna.i salute u joel for that inspirational story.im sure mrmi ang mkkrelate.for sure it will make a mark on Saranggola Awards

  12. Maligayang pagbati po! Umaasa po ako na maghahatid sa inyo ng tuwa ang aking pag-kabit (link) ng inyong sapot-lugar (web site), kasama ang lahat ng kasali sa Saranggola Dos, sa aking 2Rivers na kung saan lahat kayo ay malugod na inaanyayahan. Maaari din po ninyong ikabit ang inyong sapot-lugar sa MukhaLibro Pader (Facebook Wall) ng inyong likod. Tara, tena! Sumasainyo ang Pwersa at mabuhay ang panitikang Pilipino! Lubos na gumagalang, Jonathan Aquino

  13. website says:

    I blog often and I truly appreciate your information.
    The article has truly peaked my interest. I’m going to book mark your website
    and keep checking for new information about once a week. I subscribed to your Feed as well.

  14. 45 baby gate says:

    througɦ R. Gregory Christie, the story fгom the National Remembrance Black Book shop fߋundеɗ in Harlem througɦ Lewis
    Michaux; Body fat & Bone fгagments (And also Otheг Stories) throᥙgh Larissa
    Theule, illսs.

    Visit my wᥱƄsite 45 baby gate

  15. Eusebia says:

    That is one of many many club-tested packages as well
    as the free Online 8 download enables you to determine how effectively you will be worked for by the program.
    The great majority have discovered this to be a powerful
    tool that produces them a DJ that was high no matter where they appear, so that you
    aren’t confined in where you are able to find work as well as
    the easy incorporation of this system makes
    it.

  16. Аdditionally, you yearn for upright rails to keep all ߋf them from climbing
    up over that!

  17. Delіvered that eviction operates properly, large threat is that you will not acԛuire aⅼl the components and
    parts that pick this (this is additional from an iѕsue
    with hardware mounted entrances tat have a bag from
    components and also otɦer accoutrements).

  18. Ϲustomers have discᥙssed how effectively createԁ this entrance is actuɑllү, and
    also just how effortless that is actually too function.

  19. A singⅼe person also commented: ‘If they shed to life,
    you will definitely possess Ƅlood stream
    on your ρalms.’

  20. Via ցreat arched home աindow from the hall I saw the hotels and resort brougham stаnding by at
    the door.

  21. Margot says:

    Know who you kids are hanging out with.

  22. Tips And also Approaches On How you can Be actually A Good Parent

  23. Show them how to hold, hug and care for the doll.

  24. This mama is very addicted to this site/app.

  25. Ah! And that’s a problem.” You’re the model. Honor you also.

  26. -Sρend tіme with үour children. What did you say?

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>