Kuya…pwede bang magpadala?

Official entry to the 2010 Pinoy Expats Blog Awards (PEBA)
Winner: Top 9 OFW Supporters Category

“Kuya..Pilipino ka?”, tanong sa akin ng dalawang babae na nakilala ko sa isang grocery sa Mizra, Israel. “Kabayan” ang sagot ko. Abot sa tenga ang ngiti at halos yakapin ako nang malamang Pinoy ako. Agad nakipagkwentuhan, at nalaman ko na magdadalawang taon na sila doon bilang caregivers.  Nang marinig  nila na ilang araw lang ang ilalagi ko doon dahil sa isang training, ito ang sunod na tanong ng isa sa kanila, si Alma, “kelan ang uwi mo sa atin, Kuya..pwede bang magpadala?”.  Magpapadala daw ng pera. Laking gulat ko,  buong-buo ang tiwala, walang pag-aalinlangan na magbibitaw ng perang pinaghirapan para maipadala sa pamilya sa Pilipinas.  Hindi naman ako tumanggi, kahit alam kong napakalayo ng Alaminos, Pangasinan mula sa Maynila.  Sayang naman daw ang matitipid nila kung sa Maynila ko ihuhulog via Western Union kaysa kung magmumula sa Israel.  Kaagad na din silang nagpaalam at isang yakap na mahigpit ang iniwan nila sa akin.  Parang sasabog ako noon sa pinaghalong tuwa at lungkot.  Ramdam ko ang pananabik nila sa pamilya.

Isa lamang si Alma sa mga OFWs na nakilala ko. At nais kong ibahagi ang kwento ng iba pang OFW/Expats na nakilala o nakasama sa mga byahe ko.  Bago ito, produkto din ako ng OFW. Nakapagtapos ako ng pag-aaral sa tulong ng kapatid ko na matagal din na naging OFW.  Nangarap na akong magbyahe, nakakamangha kasi ang mga nakikita kong magagandang lugar sa bawat larawan na pinapadala noon ng kapatid ko. 

Isa na si Flor, matalik na kaibigan.  Napadpad sa New Zealand para hanapin ang sarili.  Nakabyahe ako ng New Zealand dahil sa kanyang imbitasyon sa kanyang kasal, masaya ang buhay ni Flor pero hindi biro ang adjustments nya sa bagong buhay.  Naiba man ang kanyang mundo subalit patuloy pa rin ang suporta nya sa naiwang pamilya sa Pilipinas.

Si Archie, isa pang matalik na kaibigan.  Sa Amerika naman ang byahe, pero dahil sa nag-aaral pa ang mga anak ay kinailangang maiwan pansamantala. “Men, bahala na kayo ni Don (isa pang kaibigan) sa mga bata. Tsaka papasyalan n’yo naman ako ‘di ba?” Ito ang mga salita ni Archie nang ihatid namin sya sa airport.  Naalala ko nga noong Ondoy, lubog sa baha ang Cainta. “Men, ang mga bata, 3 steps na lang aabutan na sila, ang Mama lang ang nasa bahay, baka pwedeng tulong”.  Wala din akong magawa noon kasi hanggang leeg din ang baha sa bahay namin.  Ramdam ko noon ang sobrang pagkabahala ni Archie, sobrang hirap nga ng malayo sa pamilya. Pero dahil kay Archie at sa kanyang asawa, kaya ako nakagala ng Amerika, dalawang beses pa, akalain mo!

Si Andrew, anak na panganay ng ate ko, kakatapos lang ng kolehiyo, agad nagpaalam para mag-abroad.  Malakas ang loob kasi ang tatay naman ay nasa Qatar, pero malayo naman ang Qatar sa UAE.  Kailangan daw eh, mababa ang sweldo dito sa Pilipinas.  Walang isang linggo, nakakita agad ng trabaho, at totoo nga, niyabang pa ako, “Tito, mas malaki pa sweldo ko sa’yo!”  Taragis! Invite mo na lang ako dyan sa bayan ng mga Arabo!

Si Betsy, si Teddy at si Evelyn, mga kaibigan at dating kaopisina.  Mga expats sa isang international NGO. Si Betsy nagsimula sa Cambodia na ngayon ay nasa Amerika na. Si Evelyn matagal din ang inilagi sa Jakarta. Si Teddy naman hanggang ngayon ay nasa Cambodia pa.  Sumubok din ako mag-apply ng trabaho sa Cambodia, pero sa bata kong edad noon, hindi ako pumasa, ang problema kasi, ang magiging staff ko ay mas matatanda pa sa akin. Mahirap ang kanilang kultura, kaya nagpasya akong bumalik na lang sa Pilipinas.

Si Issa, nagsimulang mag-care giver sa HK, sinuwerte at isinama ng employer sa Canada at ngayon ay isa na syang permanent resident doon. Balang araw makakagala din ako sa Canada haha!

Nagala ko naman ang buong Nazareth dahil kay Arlene, isang cebuano na nakita ko naman sa Haifa, Israel pa din.  Hindi pa daw nya nagagala ang Nazareth kahit magdadalawang taon na sya doon.  Dahil din daw sa hirap ng buhay kaya sya nagpumilit mag-abroad.  Caregiver sya doon.  At dahil sa pananabik sa Pinoy, nakuha pa akong ilibre sa lunch at samahang ikutin ang Nazareth. Nakakamiss daw kasi ang pamilya, ang magsalita ng tagalog, at ang Pilipinas.

Si Rogel, isang TNT sa Korea na nakasalubong ko sa isang istasyon ng tren habang ako’y nawawala sa kakagala. “Kabayan”, walang tanong tanong kasi Pinoy na Pinoy naman ang itsura ko.  “TNT” ka ba dito?  Hindi ang sagot ko. Bakit daw hindi pa ako mag-TNT, malaki daw ang kikitain ko.  Gustuhin ko man eh baka mahuli agad ako.  Mahirap ang TNT, literally nga na tago-ng tago. Ayoko naman ng ganun, pano na ang mga byahe ko?

Si Cristina, kaibigan at dating kaopisina, Australia naman ang drama haha, maswerte si Cristina kasi buong pamilya kasama nya.  At maswerte din ako kasi libre ang tirahan ko kung babalik ako sa Australia.

Si Anne, volunteer sa isang NGO sa Japan, 5 years na sya doon. Kasama ko nga lang sya noong isang linggo, sa bahay nila ako nakitira.  Sila ang tumutulong sa mga Pilipinang inaabuso ng mga Hapon.  Mentally at physically exhausting ang work ni Aanne, kaya nga sya uuwi na para magpahinga muna.  Marami akong naikot at naintindihan sa Japan dahil kay Anne.  Domo arigato Anne!

Si Fr. Oscar, isang pari sa isang parokya sa Tokyo. Kasamahan din sya ni Anne, natikman ko ang authentic japanese noodles at sushi dahil sa panglilibre ni Fr. Oscar.  Natatangi man ang kanyang misyon,  pero sa mga kwento nya, namimiss pa din nya ang pamilya sa Pilipinas.

Si ate Nyrissa, pinsan kong OFW sa Japan.  Mahigpit ang yakap nya sa akin noong binisita ko sya noong April.  “Hindi ka naligaw? Buti ka pa, kabisado mo na ang train”.  Matagal na kasi sya sa Japan pero di din sya nakakapasyal dahil sa trabaho at mga anak.  Miss na daw nya ang mga kapatid at magulang na naiwan sa Pilipinas. Ramdam ko din ang pananabik nyang umuwi. Isang 100Yen na coin ang iniabot sa akin ng kanyang bunsong anak, souvenir daw.

Marami na din akong nakilalang mga bloggers na OFW, tulad nina Bon, Dencio, at Toper.  Si bonistation ang naghikayat sa akin kaya merong BATANGMANGYAN.COM, kaya ako nagsusulat at nagkukuwento ngayon, s’ya ang mentor ko dito sa blogosphere.  Ibat-iba man ang dahilan nila kung bakit sila nagtatrabaho sa abroad, sigurado akong lahat ay para sa pamilya ang kanilang sakripisyo.

Patuloy ang byahe ko, at sa mga nakilala ko sa aking paglalakbay, saludo ako sa inyong lahat.  Sa mga sandaling tayo ay nagkasama at nagkakwentuhan, alam kong kapalit noon ay konting saya ang inyong nadama.  Pero lingid sa inyo, ako ang sobrang nakinabang, malaki ng nagawa nyo sa akin, na iparamdam at ipamalas ang tunay na kalagayan ng isang OFW, ng taong malayo sa pamilya, isa itong napakalaking inspirasyon. Kahit anong oras man akong mangibang bansa, maging OFW man o hindi, ay dala-dala ko ang mga kwento ng katatagan, pagmamalasakit at pagmamahal sa pamilya, sakripisyo, at tunay na pagpapahalaga sa lahat ng bagay na mayroon ako.

Ang pagsali ko sa PEBA ang naisip kong daan para magpasalamat sa inyong lahat. Ipamalas sa buong mundo ang paghanga at pagsuporta hindi lamang sa inyo, maging sa lahat ng OFW at expats, saang sulok man ng mundo. Saludo ako sa inyong mga sakripisyo na naging sandata n’yo upang patibayin pa ang pamilyang Pilipino. At sana sa mga susunod ko pang byahe ay mas marami pa ang taong makikilala ko. Mabuhay kayong lahat! Mabuhay ang pamilyang Pilipino!

“Tao po! Dito po ba ang bahay ni Alma Feliciano? May pera pong padala si Alma, hindi ko na po inihulog sa Western Union, gusto ko po kasi kayo makilala at maikwento ang masayang pagkikita namin ni Alma sa Mizra.”

***

Para po sa inyong malayang pagboto sa Pinoy Expats Blog Awards 2010 maari po kayong bumisita sa www.pinoyblogawards.com. Ang artikulong ito ay nasa bilang labing siyam (#19 -BatangMangyan -Manila) sa kategoryang  Philippine-Based Nominees – OFW Supporters.

Maari nyo rin pong ibahagi ang kwentong ito sa pamamagitan ng Facebook.

Category: Masarap Maging Dayuhan  Tags:
You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
40 Responses
  1. france says:

    napakasarap pakinggang ang KABAYAN! lalo na at nasa ibang bansa ka… para bang KAPAMILYA ang turing kapag sinabing kabayan … mahirap man ang mangibang bansa at naiwan mo ang mga mahal mo sa buhay sa pinas … may kapamilya ka pa ring maituturing sa mga kaibigang pinoy makikilala kung saang bansa ka naglalagi. maswerte ako na kahit malayo ako sa pinas ang mga kaibigan ko (isa na si bonistation) ang tinuturing kong kapamilya na sa hirap at ginhawa andyan pa rin sila sa tabi mo nakikiramay sa lungkot at ligaya.
    mabuhay ka batangmangyan … wag mag sawang ibahagi ang nasasaloobin!

  2. YanaH says:

    Hindi matatawaran ang pagsisikap at pagsasakripisyo ng isang OFW na lumisan sa kanyang lupang sinilangan para magbanat ng buto sa ibang bansa.. upang maitaguyod lamang ang pamilya, mabigyan sila ng magandang kinabukasan. Kahanga-hangang katapangan ang kanilang ipinamamalas sa pakikipagsapalaran sa ibang lugar. mapalad ang mga pamilyang hindi kinakailangan mabawasan ng isang miyembro para magtrabaho sa malayo.. malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.

    salamat sa paglahok sa PEBA2010

    goodluck and Godbless!

  3. TARAGIS says:

    nice entry!! astig sa paglalahad! sana mabasa ng mga taong nabanggit mo ang iyong lubos na pasasalamat! =)

    goodluck! ^^ kita kits!~

  4. Pong says:

    perstaym ko po yata dito…
    nangingilabot ako habang binabasa lalo na part nung Israel story( isa ito sa mga pinangarap kong bansang mapuntahan – kung natuloy ang mission trip namin dun malaman gnasilayan ko na ito). Kasi ang tito ko at tita andun sila, natapos na ang 10 years nila at ngayon TnT na sila. Madalas nilang sinasabi sa akin na sumunod daw ako dun o kaya naman tuparin ang pangarap naming magtito na pumunta ng London. (siya kasi ang nagbigay ng palayaw na Pong sa akin na malayo sa Joseph na tunay kong pangalan).

    Sa dinami-dami po ng napuntahan niyong lugar at mga kaibigan o estrangherong nakasalamuhang kapwa Pilipino sa ibang bansa ay tunay na ipinakita niyo po sa inyong akda ang iba’t-ibang mukha ng OFWs, ang hirap at sarap nito.

    Be blessed po!

  5. duking says:

    batang mangyan international ka talaga pre.

    “Tao po! Dito po ba ang bahay ni Alma Feliciano? May pera pong padala si Alma, hindi ko na po inihulog sa Western Union, gusto ko po kasi kayo makilala at maikwento ang masayang pagkikita namin ni Alma sa Mizra.”

    going as far as alaminos para sa katuparan ng pag-ako,alang alang sa lubos na pagtitiwala,sobrang nakakatuwa.

    salamat sa lahat ng OFW.salamat sa kwentong ‘to pre.

  6. bonistation says:

    maraming salamat sa pagpupugay sa mga sakripisyo ng OFW. masarap isipin na may mga taong tulad mo na narerealize ang mga pinagdadaanan ng mga kababayang nasa ibang bansa, na kahit sa mga sandaling inilalagi mo sa mga bansang pinupuntahan nagkakaroon ka ng link sa kanila, nagkakaroon ka ng karanasan na hindi natatamo ng lahat..

    saludo ako sayo tol sa pagbabahagi mo ng kwento na ‘to! nakakatuwang isipin na sa ganitong paraan nakapag bahagi ka ng mga kwentong OFW sa positibong paraan! =)

    kuya!! pede bang magpadala!? hehe!

    cheers sa tagumpay!! certified international tripper!

  7. robert says:

    kybigan, ganda ng article mo ah. lam mo ako pangarap ko magABROAD pero parang ang pagkakataon ang ayaw. ewan ko ba kung bakit. hehhe. siguro dahil sa mga taong umaasa sa tulad nating may direksyon sa buhay.. . Yaiks. sori mdyo nagpapaka-profound lang me. hehehe. anyway, about your article, its amazing. imagine naglaan talaga ng panahon to make this thing perfect even in a simple detail. WOW.

    GOODLUCK KAYBIGAY.

  8. jason says:

    grabe kuya jo. ang sarap nga pakiramdam non ano walang pag-aalinlangang nagtiwala kagad sila sayo ng malamang pilipino ka. muka ka kasi siguro porener kaya tinanong pa nila. oha

  9. sarah says:

    Nice… yan ang masarap sa Pilipino, kahit saan mapunta, pag nagkita kita parang magkakakilala, buo mong pagtitiwalaan. Kakatuwa!

  10. Around the world ang byahe mo sir. Kainggit naman!

  11. Charles says:

    nice story! ang sarap basahin kahit paulit ulit, hindi man masabi na OFW ka, ramdam mo parin ang naging buhay nila.. sana marami ka pang maging byahe at iuwing kwento para sa amin!

    Goodluck to PEBA! =)
    Cheers!!

  12. racks says:

    naku jo, marami na nga sa ating mga kaibigan ang nasa ibang bansa na. nakakatuwa kse kahit malayo na sila sa atin hindi pa rin nagbabago ang samahan at barkadahan kapag sila ay umuwi dito para magbakasyon. siguro kahit ilang panahon na ang duamaan at kung nasaan man tayo ay di na mawawala ang nakagisnan nating pagkakaibigan.

    masarap talaga mag-byahe at lalong masarap makakita at maka-chikahan ang mga mababait at malalambing na pinoy sa ibang bansa. mararamdaman mo na “at home” ka habang kausap mo sila. yun nga lang, dahil iba’t-iba ang mga karanasan ng mga kababayan natin sa ibang bansa, hindi lagi masaya ang mga kwento. marami rin kwento ng hirap, lungkot at sakripisyo na nauuwi pa minsan sa kamatayan. pag ganitong kwento ang naririnig ko, minsan tuloy naiisip ko na sana hindi na nila kinakailangan umalis sa bansa natin para maghanap-buhay sa ibang bansa o sana man lang ay naalagaan sila mabuti ng gobyerno natin kahit nasa ibang bansa sila nang sa ganon mabawasan man lang ang pag-alala ng naiwan nilang mga mahal sa buhay dito sa Pinas.

    salamat sa maganda mong kwento. mabuhay!

  13. BYT says:

    Bayani. Ayan ang tawag natin sa kanila… ang mga kabayan nating OFWs. Mga kabayan na wala sa kanilang bayan. Mga Pilipino na hindi na Pilipino ang sinasalita kung hindi pa makasumpong ng kapwa pinoy. Mga Pilipino na may trabaho. Mga Pilipino na malalaki ang sweldo. Mga Pilipinong nakaka pundar. Nakaka ipon. Nagkakapag padala. Kase ayun! Nandun sa malayo na ibayong lupa. Kase nasa ibang bansa.

    Eh bakit bayani? Sabi nila, kasi daw… Malaki ng naitutulong nila sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa mga dollars na ipinapasok nila sa bansa. At saka… sa kanilang mga pamilya o kung sino mang mahal nila sa buhay, syempre hero sila. At kung ano pang mga kadahilanan o mga tulong at buti na naidudulot nila, alam natin lahat kung bakit bayani ang tingin natin sa kanila.

    Para sakin… bayani sila kasi… una sa lahat, ang isang bayani, hindi naman niya alam na bayani siya. Hindi siya nagpapaka bayani o nangangarap na bayahinin ng kung sino man sa atin. Ginagawa niya lang ang kaya niyang gawin sa gitna ng tawag ng oras o hamon ng panahon.

    Pangalawa, ang isang bayani, lalo na ang mga OFWs, kaya lang naging bayani, kasi… marami sa atin ang hindi ginagampanan ang panawagan na alam naman natin na para sa atin. Masaya tayo para sa mga OFWs natin… at mahal na mahal natin sila. Lahat ng suporta… pinag-aaralan, pinagpaplanohan, at ipinapangako… kase sila ang mga bagong bayani ng bayan! Pero tayo, ayaw natin magpaka bayani. OK lang kahit walang matuwa sa atin. Kahit walang mag mahal sa atin, OK na rin. Di ba, ang sarap maniharan sa sariling bayan kasi… syempre sariling bayan eh! Eh ayun… sinasarili natin ang bayan. Sariling sarili!

    At pangatlo, bayani ang mga OFWs kasi… buhay pa sila. Marami tayong mga bayani na patay na at namatay para sa bayan. Pero ang OFWs, at kahit sino naman talaga, lalo na tayong mga Pilipino ngayon, nasa ibang bansa man o nandito sa sariling lupa, na nakasadlak sa kani-kaniyang hamon sa buhay… hindi kailangang mamatay o patayin para maging isang tunay na bayani. Ang mga OFWs ganon! Dahil buhay pa sila. Dahil may buhay pa. Dahil gusto pa nilang mabuhay.

    Oy! Batang Mangyan! Byahe lang. Usap lang. Kinig lang. Tingin. Manood. Magulat. Maawa. Iyak lang. Tawa pa. Gala pa. Byahe pa. Sulat pa. Kwento lang. Gusto mo yan eh. Masaya ka dyan. Malay mo, sa kaka ganyan mo, bayani in the making ka na. Gets mo? Labo ba?

  14. busyok says:

    ibang klase talaga sa bawat byahe mo hindi lang ‘yong ganda ng bawat lugar ang dala mo sa kwento kundi pati yong mga taong nakasalamuha mo.nakakatuwa ang kwento.

  15. gypsy says:

    maka pag blog din nga :).. isa rin akong estranghero sa ibang bayan.. Katulad mo marami na ring kwento ng buhay akong napakinggan lalo na habang naghihintay ng susunod mong flight sa mga airports. sana lang dumating ang panahon sa Pilipinas na wala ng ama, ina, anak at mga kapatid na kailangang lumisan para makipagsapalaran.

  16. vina says:

    i love it i want me that i have also there

  17. Jorge says:

    hi bro!! Oh man! ganda ng website!! astig!!
    naexcite akong magbasa kaso walang time! aaarrrgghh!!
    Pano ba gagawin ko para dun sa pagvote? pwede pa ba?
    Ganda talga ng site!! Kaingget!!!! toinks!!

  18. weng ricohermoso says:

    ang galing naman ng classmate ko….

  19. Leemi says:

    Na-iinspire ako sa bawat byahe mo, ang dami mo ng napuntahang ibat ibang parte ng mundo, ang daming kwento, hindi man ako lagi makapagbasa dito, ramdam ko yung pag treasure mo sa bawat byahe, lugar at mga taong nakakasama mo.
    Good read to para sa kin sa umagang ‘to, share ko sa fb ko ha, share ko na rin sa plurk, baka sakaling makadagdag din ng boto :)

    Goodluck sa bawat byahe, Ingats lagi & GOD Bless.

  20. dadi kuri says:

    wow, an damidami mo ng napuntahan bansa! ang sarap!

    goodluck sa PEBA at nice meeting you sir!

  21. nielz says:

    naiyak naman ako sa post mo kuya.. hehe

  22. Pong says:

    maligayang pasko insan
    update na! lols

  23. maccallister says:

    great post and congrats for winning!

  24. maraming maraming salamat sa bonding time natin bm! congrats! lucky 9, hehe. merry christmas+

  25. gerald says:

    hi kuya BM! ngayon ko palang na add ‘tong dot com mo sa blogroll ko, wordpress pa kase ung dati.. happy new year! =)

  26. Amanda11 says:

    Hi Looking for new online cockfight betting? Here’s a site that will sure give you the best online cockfight betting. It is where big bettors are rolling in! Join the Sabongking.com match betting, with a minimum deposit of Php2000. Feel the excitement as it happens inside the cockpit arena: Big derbies, big bettor and clearest video. Feel the adrenalin rush as you watch and place your bets. Be part of the action and not a mere spectator! Be the SABONGKING ! A true gamecockers don’t just watch they BET. So start loading your Sabongking virtual points now. Visit the site and SIGN UP!
    http://www.sabongking.com

  27. Patricia says:

    very interesting self narration!! thanks for sharing.

  28. Alejandro says:

    Excelente articulo

  29. Il ya des gens condamnés, il n’est pas facile, c’est clair.

  30. excellent points altogether, you just gained a new reader.
    What might you suggest about your publish that you just made some days ago?
    Any sure?

  31. Hello my loved one! I wish to say that this article is awesome,
    great written and come with approximately all
    important infos. I would like to see extra posts like this .

    Here is my blog post pest control houston 77089

  32. I’m not ure where you’re getting your information, but good topic.
    I needs to spend some time learning more or understanding more.

    Thanks for wonderful information I was looking for
    his info for my mission. instant likes instagram free

  33. davkou.com says:

    Hey just wanted to give you a brief heads up
    and let you know a few of the images aren’t loading properly.
    I’m not sure why but I think its a linking issue. I’ve tried it in two different browsers and both show the
    same outcome.

    Klikkaa: http://davkou.com/users.php?mode=profile&uid=277504

  34. Uta says:

    Other Icaros call the spirit of Ayahuasca to open visions as though exposing the optic nerve to light’.
    His emergency treatment was to get the patient to drink a cup of
    cayenne tea and within minutes the danger has passed.
    1- Irene Maxine Pepperberg, The Alex Studies, Harvard University Press, England, 1999, pp.
    A good introductory meditation is to focus on a point in a stream as viewed
    from a bridge. There have been numerous studies to prove its existence, with some
    success and with some disappointments.

  35. porno says:

    Psychic reading the no. 1: You certainly will die of meals poisoning after consuming a negative bologna sandwich prepared available by the mother-in-law. I don’t think it absolutely was deliberate. I’m very sorry about this. However the sandwich is a flavorsome one. you are able to anticipate that. Quit complaining — you picked the number one, not me!

    Supposedly Von Teese is not very pleased along with her past porno activity exposure. She actually is at this time creating bras for Wonderbras who’s additionally not so please and declined to comment on the recent scandal. Von Teese failed to mention the video on her behalf internet site.

    Keith: you’re speaking to 2 guys that know very well what its prefer to keep a band together is. We positively respect exactly what Kiss is short for. You won’t ever understand what takes place behind closed doors, in terms of what we say about this, I’m happy that they’re keeping Kiss alive and well.

    Now the band had been moving forward and gaining notoriety and countless notice from several record labels. JA was the hot work to see on la club scene, with an almost regular gig within Scream. AS they had decided to sign up with Warner Brothers Records, the people insisted on releasing their very first album on independent label Triple X.

    Psychic reading the quantity 11: there was a bus coming at 12:37 PM. You should be on that bus. Your fortunate numbers recently are 27, 44, and 1,237 . 5. Seriously, you need to be on that coach, man.

    Next we find Wilson and House at their condo. Wilson invites home to get rate dating in place of viewing porn forever. Home agrees. They later on get and are accompanied by Chase. Home causes Chase to question most of his previous relationships after wagering him that even in the event he spent forever pretending to be an unemployed loser he’d get at least twelve dates because he’s therefore pretty. Obviously home wins and Chase starts to feel everyone else he’s ever dated has only done this for his looks.

    Listed here is how my FREE online psychic readings work right here: you — the online audience looking for a free psychic reading — choose a number between one and ten. Just take that quantity, multiply it by five, divide it by six, subtract seven, multiply once again by two, after which include 1,200,342 on result. Since nearly all of my readers listed below are no great at math, you will then FORGET about that number and choose a NEW quantity from a single to thirteen, and go directly to the next web page for the free psychic reading considering THAT number. You simply get one chance here, therefore select your number sensibly.

  36. Tellervo says:

    Good replies in return of this question with real arguments and telling everything on the topic of that.

    Tsekkaa: http://www.perthurbanist.com/groups/tupakoinnin-lopettaminen-ja-terveysvaikutukset-187269164/

  37. whe says:

    Olá, gostei extrraordinariamente ddo seu website!
    achei o matéria muito bem escrito. escrevi um website no mesmo tipo dde conteúdo e gostaria de ver se você tem alguma sugestão para quedm está começando a escrever blog sobre este tema.
    valeu!!

  38. gices-sc.org says:

    I have saved this page because I found it distinctive. I might be quite interested to know more news on this. Thanks a lot!

  39. I don’t know whether it’s just me or if everybody else experiencing problems with your blog.
    It appears like some of the written text on your content are running off the
    screen. Can someone else please comment and let me
    know if this is happening to them as well?
    This may be a problem with my web browser because I’ve had this happen before.
    Cheers

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>